BARANGAY CALLAGUIP
Isang malakas na bagyo na nagdulot ng baha hanggang maabot nito ang Mastizo River upang bumigay ang daan lalong-lalo na ang tulay patungo sa karatig bayan. Halos lahat ng Barangay ay naapektuhan ng baha maliban sa lugar na ito. Kaya ang mga tao ay nagtaka at sa pangyayaring iyon ang naging dahilan kung bakit naisipan na ng iba na lumipat dito at manirahan. Dito, ang mga tao’y nagsimula muli at pinaunlad ang kani-kanilang buhay. Habang tumatagalay palagi nilang naaalala ang nangyaring iyon na kung saan nakaranas sila ng matinding pagsubok at kahirapan.
Sa paglipas ng taon, ang salitang “LAGUIP” na ang ibig sabihin ay “pag-aalala” o sa ibang salita ay “alala”, at kung saan ang tawag sa lugar na ito ngayon ay “CALLAGUIP.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment